234 - Ang Iglesia'y May Isang Kinasasaligan

Ang iglesya'y may isang kinasasaligan,
Ito'y si Jesu-kristong sa kanya'y Lumalang;
Naparito't ang dugo, buhay inialay,
Upang iglesya'y maging asawa N'yang banal.

Hirang sa bawa't bansa, isa sa b'ong lupa,
Batas n'yang kaligtasan ay iisang pawa,
Isa ang Panginoon, bautismo't tiwala,
Isa rin ang pagkain, pag-asa't biyaya.

Mga kaaway niya kahit s'ya'y siilin,
Bato niyang himlayan kahit na durugin,
Pananampalataya'y iniingatan din,
Pagka't gabing pagtangis pag-uumagahin.

0:00 0:00